LANG HOME

手段についてたずねる

Back
再生
 
  • Paano ho magluto ng sinigang na baboy?
    豚肉のシニガンスープはどうやって料理するのですか?
  • Medyo mahirap.
    ちょっと難しいわよ。
  • Pakuluan mo muna ang karneng baboy hanggang sa lumambot.
    まず豚肉をやわらかくなるまで煮て。
  • Lagyan mo rin ng asin.
    塩も入れて。
  • Mga ilang oras ho iyan?
    それは何時間ぐらいですか?
  • Mga isa at kalahating oras.
    およそ1時間半です。
  • Tapos ilagay mo ang mga gulay na nahiwa na.
    それから切った野菜を入れて。
  • Ano ho ang uunahin ko?
    何を先にしましょうか?
  • Unahin mo ang labanos, dahil matagal itong maluto.
    大根を先にしなさい。これは煮えるのに時間がかかるから。
  • Isabay mo na rin ang dinurog na sampalok.
    潰したサンパロックをも同時に入れなさい。
  • Tapos ho?
    それから?
  • Ihuli mo ang kangkong.
    空芯菜を最後にしなさい。
  • Timplahan mo ng patis kung matabang pa.
    味が薄かったら、パティスで味を調えなさい。
  • Madali lang pala!
    簡単なんですね。

© 東京外国語大学